I am sharing this post on Facebook regarding the wrong reasoning and impression in terms of the current crisis situation that we are facing. The emphasis on their lack of empathy on the sectors of the society which is greatly affected is what I am really concerned about.
This is sort of a reaction and clarification post and the credits to Jude Karlo Garcia Bolivar.
Here is the initial post that has gone viral.
THIS IS A LONG POST.
I was literally offended when a “family” member reposted this and agreed to this 100%. And some others replied showing their affirmation.
Hindi kami mayaman, alam nila yon. Sasabihin ng iba na maswerte kami kasi di namin nararanasan yung ganto, o yung ganyan. Totoo naman, pero that doesn’t excuse myself from feeling for my fellow Filipino. Nag-aral ako nang maayos at alam kong tinuruan ako ng unibersidad na magkaroon ng tinatawag na malasakit. Hindi puro kagalingan at karangalan, kailangan mo ring maging isa sa mga kapwa mo. Dahil hindi lahat maitatawid ng galing lang. Hindi lahat mabubuhay ng dangal lang. Marami kang maiaahon kung may malasakit ka sa kapwa mo. Hindi mo kailangang maging bayani para sa kanila, ang kailangan mo, isipin na totoo, di lahat kasing swerte mo.Pero di ibig sabihin noon papayagan mo na silang nasa ibaba habang buhay.
“Bakit parang kasalanan namin na pagkain sa bahay namin?”
Walang nagsabi na kasalanan ninyo iyon. Ang pinupunto ng mga tao, kung di ninyo kayang ilagay ang sarili ninyo sa sitwasyon ng mga karinawang pamilyang Pilipino, wag na kayong magsalita ng laban sa kanila.
Noong 2018, 21% ng mga Pilipino ang nasa ibaba ng poverty line (https://psa.gov.ph/poverty-press-releases/nid/138411) at hindi nila “choice” iyon.
Ayon din sa PSA, “ang pamilyang binubuo ng limang miyembro ay nangangailangan ng halagang hindi bababa sa PhP 7,337 para tustusan ang pangangailangan sa pagkain pa lang (food threshold). Tinatayang Php 10,481 naman ang kailangan para matustusan lahat ng pangangailangang hindi lamang sa pagkain (poverty threshold).”
“Noong panahon na wala pang covid, nagtrabaho kami nang maayos at nagsakripisyo na mawalay sa mga pamilya naming, habang yung iba tambay lang.”
Totoo na yung “iba” tambay lang. Pero di mo masasabi na lahat ng naghihirap at nagugutom ay tambay lang. maraming tao ang araw araw kumakayod para lamang may ipangkain sila. Kung halimbawang sumasahod ka ng minimum P282.00 – 340.00 (Region 1-minimum) at P500.00 – 537.00 (NCR-maximum) para sa non-agricultural sector (https://nwpc.dole.gov.ph/stats/summary-of-current-regional-daily-minimum-wage-rates-by-region-non-agriculture-and-agriculture/) and you do the math, hindi lahat kayang umabot sa poverty threshold. Sasabihin mo pa rin bang tamad sila kaya sila mahirap? Paano pa yung mga vendor, tricycle driver, mga kalsada ang hanpbuhay, tamad ba ang mga yon?
“Noong pinag aaral kami, tinapos namin yung pag aaral namin samantalang yung iba, piniling maglaro o bumarkada”
Lahat ba piniling hindi mag aral? Hindi ba dahil hindi libre ang edukasyon noon kaya karamihan sa mga Pilipino ay hindi nag aral, sa halip ay nagtrabaho na lang? Mag aaral ka pa ba kung hindi mo nga matustusan ang araw-araw mo na pagkain? Noong 2017, mayroon 3.6 milyong Pilipinong nasa edad 6-24 ang hindi nag aaral (Out of school youth), sa mga ito, 2.4 milyon ang may rason na tungkol sa responsibilidad sa pamilya, kakulangan sa pera, malayo o walang paaralan sa lugar nila, at kinakailangang magtrabaho (https://psa.gov.ph/content/nine-percent-filipinos-aged-6-24-years-are-out-school-results-2017-annual-poverty-indicators). Napakaraming dahilan ng hindi pag aaral ng mga Pilipino, maging sensitive ka naman.
“Kaya hindi kami nakikialam sa gobyerno, kasi hindi naming inaasa ang buhay naming sa mga pulitiko”
Hindi mo kailangan iasa ang buhay mo sa pulitiko, ang kailangan lang ay gawin silang accountable sa lahat ng maling desisyon nila sa bansa, kasi ikaw rin naman ang maapektuhan sa huli. Kung una pa lang pinagbawalan na ang mga Chinese na magpunta sa Pilipinas, baka naging mas kontrolado natin ang sitwasyon ngayon. Baka iilan lang ang may sakit at hindi natin isinangkalan ang buhay ng kapwa natin Pilipino para bumuhay at protektahan ang iba pa. Kung sa simula pinrotektahan na tayo ng gobyerno, naiwasan sana ang may mga mamatay na frontliners, mawalan ng kabuhayan, magutom, wala sanang dadaing. Wala ka sanang mamatahin na mahihirap.
“At hindi nyo ba naisip, ang ikababagsak ng isang pulitiko ay ikaaangat ng isa na namang pulitiko… ang tanong may magbabago ba sa buhay nyo?”
Kung walang napabagsak na gobyerno ang pagrereklamo, baka hindi ka nakakapagsalita ng ganyan sa kapwa mo, maging ako. Mula pa man noon na sinakop tayo, ang mga “nagrereklamo” ang bumago ng buhay natin. Alam mo na yan kasi nag aral ka. Ikaw ba, masasanay ka na lang sa ganito? Sa bulok na sistemang harap-harapan tayong niloloko? Kasi kami hindi. Ikaw ang naglagay sa mga taong yan, kaya nasa iyo rin ang kapangyarihang alisin sila. Kagaya ng mga amo sa empleyado nila. Maaari mong sisantehin ang sinumang di gumagawa ng trabaho niya. Kung hindi mo kayang ipaglaban ang sarili mong karapatan, wag mong pigilan ang iba na ipaglaban ang kanila, ang sa iyo, at sa maraming Pilipinong walang kakayahang magsalita.